Alamin ang ibig sabihin ng ahas sa panaginip

photo credit: hubpages.com

Nanaginip ka na ba ng ahas? kung oo, narito ang ilang dahilan at nakapaloob sa iyong panaginip..

May kaklase akong nanaginip tungkol sa snakes. Nagsiswimming daw siya tapos bigla na lang may mga lumitaw na ahas dun sa pool! Ang mga ahas sa panaginip ay very symbolic at pwede itong magkaroon ng positive o negative meaning.

Pag kinagat ka ng ahas sa panaginip mo, ibig sabihin ay meron kang mga kinakatakutan o mga bagay na hindi mo alam ay nakakasama na sayo. Pwede ring ibig sabihin nito na may ginagawa kang sex-related, na hindi na dapat ituloy. Pwede ring magsymbolize ang ahas sa isang taong pumapaligid sayo na alam mong hindi maganda ang ugali.

On the positive side, pwedeng ibig sabihin ng snake dreams ang pagbabago, karunungan, at pag-aayos sa sarili.

Pwede ring temptation ang sinisymbolize ng mga ahas sa panaginip. Siguro may mga pinipigilan kang emotions o feelings, pero balang araw ay kailangan mo ring harapin ang mga ito.

Kapag kinagat ka ng ahas sa panaginip, sumisimbolo naman ito sa mga masasakit na salita na binanggit sayo ng ibang tao. Ang pagtakbo palayo sa mga ahas ay nangangahulugang meron kang mga iniiwasan na tao.

RED SNAKE – Kapag nanaginip ka ng ahas na kulay pula, warning ito na dapat mo nang itigil ang isang bagay na ginagawa mo na hindi maganda para sayo o kaya ay sa mga tao sa paligid mo.

GREEN SNAKE – Kapag green naman ang ahas ay dapat kang magpatuloy sa mga goals mo, at ang mga ikinakatakot mo na related dito ay hindi importante o kaya ay madali mo lamang na malalampasan.

YELLOW SNAKE – Sinisymbolize nito na maging maingat ka sa mga ginagawa mo. Parang traffic lights lang diba?

BLACK SNAKE – Ang mga itim na ahas naman ay simbolo ng kalungkutan sayong buhay, o di kaya naman ay malalaking pagbabago na pinagdadaanan mo ngayon.

Post a Comment

0 Comments