Ang rising boyband na Clique V na kinabibilangan nina Clay Kong, Marco Gomez, Sean de Guzman, Karl Aquino, Rocky Rivero, Kaizer Banzon, Blaize Nicolas, Calvin Almojera, at Gabby Villamor, ay nagkaroon ng first major concert last Feb. 27 sa Music Museum. Wala pang isang taon under their management and discover, ang 3:16 Events and Talent Management Co. na headed by Len Carillo, ay naging bahagi naman sila ng PMPC Star Awards for Music 2017-2018 na ginanap more than week ago. Nominated sila para sa categories na Dance Album of the Year at Duo/Group Artist of the Year bukod sa pagiging guest performers sa nasabing event.
Masasabing ang "sister group" nila ay ang Belladonnas na kayang-kayang makipagkabugan sa dance floor dahil sa galing humataw bagaman karamihan sa kanila ay bata pa. Ang miyembro ng girl dance group ay sina Chloe Sy, Jazzy Dimalanta, Xie Fabricante, Phoebe Loseriaga, Rie Cervantes, Christine Bermas, at ang anak ng owner na si Quinn Carillo.
Bagaman may kanya-kanyang specialty ang bawat group, multifaceted sila kasi iba't ibang workshops sa dance, voice, acting, at maging sa personality development, ang kanilang dinaanan. Kahit na walang gigs ay may regular training sila sa soundproof studio na siya ring nagsisilbing homebase nila sa New Manila. Nakakatanggap sila ng rehearsal allowance tuwing nagtetrain bukod pa sa talent fee tuwing may gigs.
Ang unang film ng production outfit kasama ang both performing groups na sumesentro sa isang advocacy ay nasa final editing stages na at goal nilang mapalabas ito ng October. Ang Codep ay idinirect ni Joven Tan na siya ding nagdirect ng first concert ng Clique V.
Ang small salu-salo ay ginanap sa studio nila last September 11. Halatang bukod sa pagiging talentado ay tinuruan din ni Len na maging well-mannered ang mga ito dahil bawat bisitang dumarating ay sila ang unang bumabati at bumebeso.
0 Comments