Tatlong linggo pa lang umeere ang Ponoy franchise ng pinakamalaking dance competition sa mundo ay namayagpag na ito agad sa national TV ratings ayon sa datos ng Kantar Media. Pumalo ito sa 32.3%, ang pinakamataas nitong rating sa ngayon, noong Enero 13. Nagtetrend din ang mga hashtag nito at nakaabot pa sa worldwide trending lists ng Twitter. Dalawampung dance acts mula sa iba't-ibang bahagi, hindi lang ng bansa, kundi ng buong mundo ang nagqualify. Iba't-ibang klaseng sayaw na rin ang naipamalas ng mga lumalahok sa show, at iba't-ibang kwento na rin ang naibahagi rito. Isa na sa mga ito si Jay, isang hiphop dancer na minsan nang nakatikim ng kasikatan dahil sa grupong XB Gensan at nakasama na sa "It's Showtime" stage ang huradong si Billy Crawford. Komento ni Billy na naiyak sa kanyang performance, "Pumunta ka rito para patunayan hindi lang sa amin, patunayan lang sa sarili mo, na kaya mo pa. Nirerespeto kita." Naging inspirasyon naman ni Tintin ng ballroom duo na Cejrich and Tintin ang judge na si Maja Salvador kaya nagsimula silang magsayaw. "Perfect combination" ang dalawa para sa dance royalty.
Isa pa sa mga nakapasok na grupo ang B2WIN, isang urban dance group na nabuo mula sa mga nag-audition sa Star Hunt. Nagustuhan ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano ang malilinis at pulidong galaw ng grupo kahit na sadya itong hindi sabay-sabay. Aniya, "Gusto ko yung pangalan ninyo. Kasi yung salitang win, bagay na bagay s ainyo. At kung BTWIN, as in stars, you did shine like stars." Hindi rin nagpapahuli sa kulitan ang mga hosts na sina Luis Manzano at Pia Wurtzbach kasama ang mga contestant. Nakirampa chalenge ang Miss Universe 2015 sa urban dance group na Go Figure. Samantala, si Luis naman ay sinubukang sabayan ang ethnic streetdance ng Move to the Groove.
Marami pang dance acts, kulitan, at heartwarming moments na dapat abangan sa "World of Dance Philippines." Panoorin ito tuwing Sabado at Linggo, 7:30pm, sa ABS-CBN. Maaari rin itong panoorin sa iWant. Avilable din ito worldwide sa "World of Dance Online,"
0 Comments