Sa mga mahilig sa action films nung 90s, isa sa hindi makakalimutang pigura si Buhawi Jack, ang underground prizefighter na napunta sa ibang dimension para kalabanin ang masasamang elementong pinamumunuan ni Lucas Diablo. Ito ay ginampanan ni incumbent Makati congressman Monsour del Rosario. Sabi nila, art imitates life sometimes. Mula sa mundo niya sa kongreso ay babalik siya sa Makati City kung saan ay nababalitang may political clan war. Binatikos siya ng mga kalaban dati dahil sinasabing artista lamang siya pero sa totoo lang ay napakasipag niyang kongresista and he has the receipts to prove it despite accusations galing kina incumbent Mayor Abby Binay at Vice-Mayor Monique Lagdameo na absent siya sa public eye. Ang 274 bills and resolutions na either gawa niya or co-authored niya during his term ay kinabibilangan ng mga sumusunod na very importanyt bills na naipasa: Telecommuting Act, Philippine Passport Act, Agricultural Free Patent Act, Amendment of the Public Service Act, National Sports Training Center Act, at Strengthening the MMDA Act
Last March 24 ay pinasyalan niya ang Dreamland Vill. sa San Jose del Monte, Bulacan kung saan nirelocate ang mga nasa below poverty line from District 1 a few years back. May libreng gupit from Reyes Haircutters, pa-bingo, at kung anu-ano pang activities to help strengthen the community. Base sa aming nasaksihan ay it's a happy and healthy community where people have jobs at kumikita sila enough live properly. Isa sa hindi alam ng nakararami ay ang pagiging active niya sa upcoming SEA Games na tayo ang host country. Suportado rin niya ang e-games like Mobile Legends bilang form ng sport at ang pagkakasali nito sa nabanggit na patimpalak.
0 Comments