Bagong batch ng "PBB Otso" star dreamers, matindi ang tapatan... Matapos malampasan ang mga pagsubok sa bahay ni Kuya, handa nang harapin ng "PBB Otso" Adult Big 4, former housemates, at star dreamers ang mga hamon ng buhay sa paglabas nila sa outside world gamit ang mga natutunan nilang aral mula sa "PBB HOuse". Nailuklok na nga sina Andre Boruillette, Lou Yanong, Fumiya Sankai, at Yamyam Gucong bilang Big 4 ng unang "PBB Otso" adult batch. Bago pa man ang botohan, umani na nga ng suporta ang apat, na kilala rin bilang "Team LAYF," mula sa mga manonood dahil sa kanilang pagpapakatotoo na hinahangaan ng sambayanan. Bagama't magkaibang lahi, kinabiliban sina Yamyam at Fumiya o ang FumiYam sa kanilang matibay na pagkakaibigan, na kadalasan ding pinagmumulan ng kasiyahan sa loob ng bahay ni Kuya. Bukod naman sa nakakakakilig nilang love story, kinabiliban sina Andre at Lou o ang LouDre dahil sa makatotohanan nilang pagpapakita ng kanilang mga pagkatao at hindi pagtago ng kanilang tunay na nararamadaman. Bukod sa Adult Big 4, nagsilbing inspirasyon din ang buhay ng former housemates ng pangalawang batch. Nandyan ang kwento ng transgender woman na si Mitch na nakamit ang inaasam-asam na kasal sa kanyang lesbian partner. Kinapitan din ang kwento ng mga magkapatid na sina MArk at Apey, na nagkalayo nang mahabang panahon at unang nagtagpo sa loob ng bahay ni Kuya. Nagbigay naman ng inspirasyon sa pinagkaitang tibay ng loob sina Shawntel Cruz, Thea Rizaldo, at Mary Grace Lagos, lalo na noong military training week, kung saan sa harap ng hirap, hindi ang mga ito sumuko. Bagama't nagkairingan sa umpisa, nakuha namang magkasundo nina Camille Sandel at Kim Franco nang maging leader sa isang weekly task. Nag-iwan naman ng marka si Wakim Regalado sa kanyang talino at pagiging masinop sa mga hamong kanyang hinarap. Nagpakatotoo naman si Hanie Jarrar dahil sa kanyang pagpasok sa bahay, pinakita nito ang lakas ng loob at tunay na nararamdaman, kahit sa harap ng pambabatikos. Bagama't naging maikli ang pamamalagi sa bahay ni Kuya, pinatunayan naman ni Tori Garcia na kaya nitong maging isang lider, pati na rin ang pakikipag-kapwa tao. Pumasok naman si JC Gamez na mahiyain ngunit unti-unting nagkaroon ng kumpiyansa sa sarili at determinasyong pagtagumpayan ang anumang hamon. Ang kauna-unahang housemate na na-evict na si Abi Kassem naman ang naging instrumento sa pagkikitang muli nina Mark at Apey. Sinubaybayan din ang mga pagsubok na hinarap sa Camp Star Hunt ng star dreamers na pare-parehong nilampasan ang mga hamon sa camp nang sama-sama at bilang isang pamilya. Samantala, marami pang aabangan sa panibagong batch ng star dreamers ng "PBB Otso" dahil walong babae at walong lalaking teen aspirants ang kasalukayang nasa isang isla at naglalaban para s apinagaagawang pwesto bilang housemates ni Kuya. Una na ngang ipinakilala ang mga female teen star dreamers na sina Yen Quirante, Shami Baltazar, Ashley del Mundo, Narcy Esguerra, Angela Tungol, Sheena Catacutan, Gwen Apuli, at Kyzha Villalino, na susundan naman ng male teen star dreamers sa mga susunod na araw. Sino nga kaya sa kanila ang magiging opisyal na housemate ni Kuya? Panoorin ang "PBB Otso" gabi-gabi sa ABS-CBN. Mapapanood din ang "PBB Otso Gold" sa Kapamilya Gold pagkatapos ng "Los Bastardos". Maaari namang subaybayan ang "Camp Star Hunt" at ang livestream ng "PBB Otso" sa iWant. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram, o kaya'y bisitahin ang www.abscbnpr.com.
0 Comments